Ang Salita ng Diyos ay mas matalas kaysa sa espadang dalawang talim (Hebreo 4:12). Sa unang pangangaral ng Mabuting Balita pagkatapos umakyat ni Hesus, naransan ng mga taga-Israel ang talas ng Salita ng Diyos na humawa sa kanilang puso.
Panahon iyon ng Pentecostes kung saan ito ay ipinagdiriwang ng mga Israel limampung araw pagkatapos ng araw ng Paskwa. Ito ang araw ng pagbibigay ng batas ng Diyos pagkatapos maging malaya ng mga Israelita mula sa pagkakaalipin mula sa Ehipto. Ito ay may kaugnayan sa kanilang pag-aani, ang araw ng paghinto sa pag-aani mula sa unang araw ng unang bunga ng ani.
Ngunit sa araw na iyon, sa pagkakatipon naganap ang pagbaba ng Espiritu Santo at binigyan ng kapangyarihan ayon sa sinabi ni Hesus bago Siya umakyat sa langit (Mga Gawa 1:8) at sila ay magiging mga saksi mula sa Herusalem hanggang sa kaduuduluhan ng mundo. Si Pedro ay tumayo upang mangaral sa mga Hudyo. Inihayag niya ang kadakilaan ni Kristo na kanilang ipinapatay. At ang kanilang puso ay nangahiwa dahil sa pangangaral na iyon. Ang pangangaral ng Salita ng Diyos na nagdulot ng pagkabagabag dahil sa kanilang kasalanan, sila ay tumalikod at tinanggap ang Salita ng Diyos at nagpabawtismo. Sila ay naligtas at nagpatuloy sa aral na tinanggap ng mga apostoles mula sa Panginoong Hesus.
Kahit pa gumaganap sa ipinag-uutos ng Diyos gaya ng mga ginagawa ng Hudyo tuwing kapistahan ay hindi ito makapagliligtas. Ang tamang pagkilala kay Kristo sa pamamagitan ng Mabuting Balita ay magdudulot ng sugat sa puso dahil sa kasalanan laban sa Diyos. Ang taong tunay na nasugatan ang puso ay taong tatalikod at mamumuhi sa kasalanan at mananampalataya kay Kristo. Ang pangangaral ng Salita ng Diyos ay humihiwa sa puso ng mga taong ililigtas ng Diyos upang makita ang kasalanan laban sa Kanya na isang banal. Ang pagtalikod sa kasalanan at pananampalataya kay Kristo ay dahil sa biyaya ng Diyos dulot ng pangangaral ng Mabuting Balita.
Marami ang nagpupunta sa altar pagkatapos ng pakikinig, umiiyak at nanaghoy ngunit hindi ito ang tanda ng tunay na nasugatan ang puso. Ang tunay na nasugatan ang puso ay ang taong, sa kanyang pamumuhay ay kinamumuhian ang kasalanan at nagpapatuloy sa buhay pananampalataya kay Kristo Hesus sa pamamagitan na pagtugon sa kalooban ng Diyos.

Basahin : Acts 2:22-42
No comments:
Post a Comment