Sa lahat ng disipulo ni Hesus, si Pedro ang madalas na nababanggit ang pangalan sa mga aklat ng ebahelyo. Siya ay laging nasa
pangunahing tagpo na isinulat na mga aklat ng ebanghelyo. Ang kanyang
pagkakatawag ay nabigyan ng halos kumpletong detalye (Lukas 5:1-11) kahit ito
man ay patungkol sa pagkakatawag ng ating Panginoon Hesus sa mga unang
disipulo na mga mangingisda. Siya ay ang nakapaglakad sa tubig (Mateo
14:28-27). Siya isa sa mga nakasaksi ng pagbabagong anyo ni Hesus sa bundok (Mateo 17:1-8), sa paghuhugas ng mga paa ng mga disipulo (Juan 13:8-10), ang pumingas ng tenga ng isa sa mga dadakip kay Hesus upang pigilan ang mga ito (Juan 18:10). Subalit isa sa mga tagpo na nakilala si Pedro, ay ang pagtatatwa niya sa Panginoong Hesus na naging dahilan upang tumakas mula sa mga taong nakakilala sa kanya bilang alagad ng Panginoong Hesus.
Ang propesiya ni Hesus na pagtatatwa ni Pedro ay binanggit ng sila ay nasa Bundok Olibo pagkatapos ng huling hapunan. Sa kanyang pagmamataas ay sinabi ng Panginoon sa kanya na itatatwa niya ang Panginoon at ang pagkatapos ay titilaok ang tandang. Ngunit ipinilit niya na hindi niya itatatwa ang Panginoon (Mateo 26:34-35). Ngunit ang winika ng Panginoon ay nangyari. Sa pagkakadakip sa Panginoon ang lahat ay nagsitakbuhan ngunit si Pedro ay sumunod sa pagdadalhan sa Panginoon upang maganap ang pagkakatatwa.
Ang unang pagtatatwa ay isang alipin na batang babae na nakakilala sa kanya na alagad ni Hesus na taga-Galilea. Ang kanyang pagkakatatwa ay hindi niya alam ang ipinararatang sa kanya. Ang ikalawang pagtatatwa ay ng siya ay nakilala ng batang babaeng lingkod ng Punong Saserdote na siya ay alagad ni Hesus habang siya aiy nagpapainit. Ang kanyang pagtatatwa ay hindi niya kilala ang taong tinatawag na Hesus na taga-Nazaret. Ang pangatlong pagtatatwa ay ang pagkilala sa kanya ng mga taong nakatayo roon at sinasabi na isa siya sa mga tagasunod ni Hesus ngunit muli niyang sinabi na hindi niya kilala si Hesus. At pagkatapos ng ikatlong pagtatatwa ay ang pagtilaok ng manok. Kanyang naalala ang sinabi ni Hesus patungkol sa kanyang pagtatatwa. Siya ay nanangis ng husto sa kanyang pagtakas sa lugar kung saan siya ay nakilala bilang alagad ng Panginoong Hesus.
Itinanwa man ni Pedro ang Panginoon, ang layunin ng Diyos sa kanyang pagkakatawag ay mananatili at mangyayari sa kanyang buhay. Isang umaga na muling nagpakita ang nabuhay na si Hesus, sa kanilang pag-aalmusal ay tinanong siya ng tatlong beses kung mahal niya ang Panginoon tanda ng tatlong ulit niyang pagtatwa sa Kanya. Siya ay tumugon na mahal niya ang Panginoon at sa bawat tugon ay ipinaalam ng Panginoong Hesus ang layunin ng kanyang pagkakatawag.
Marami sa atin ang tumakbo palayo upang ikaila ang ating pagkakakilanlan sa Panginoong Hesus dahil sa matinding pag-uusig. Subalit ang Panginoon ay mabuti at maawain sapagkat muli Niyang ipapaalam sa atin ang layunin kung bakit tayo ay tinawag Niya para sa Kanyang kaluwalhatian. Tumakbo man tayo palayo sa pagkakakilanlan sa Panginoon, muli ay pag-aalabin Niya ang ating pag-ibig sa kanya sa pamamagitan ng paglilingkod na Kanyang iniatang sa ating mga balikat at di na muling tatakbo palayo.
Basahin:Matthew 26:34, 69-70;Mark 14:30,66-72;Luke 22:34,54-62;John 13:38, 18:15-18, 25-27
No comments:
Post a Comment