Ang krus sa panahon ng Imperyo ng Roma ay kasumpa sumpa. Ang pagkamatay sa krus ay kamatayan ng isang kriminal na gumawa ng isang karumal dumal na krimen. Ito ang krimen na ipinararatang sa Panginoong Hesus kaya Siya ay ipinako sa krus sa pagitan ng dalawang magnanakaw. Ngunit nagkaroon ng pagtatagpo sa krus hindi para sa kamatayan kundi sa pagbibigay buhay sa isa sa mga magnanakaw.
Ang pagtatagpong iyon ay ang kaligtasan ng isang makasalanan na nasa bingit ng kamatayan. Nakita niya ang kanyang kasalanan at karapat-dapat siya na mamatay sa ganoong hatol. Kasabay noon ay nakita niya si Hesus ay walang kasalanan. Ito ang ginamit niya upang ipaalam sa isa sa nakapako na si Hesus ay hindi nararapat ng kamatayan ng tulad na sasapitin nila sapagkat ito ay walang ginawa ng masama.
Ang pag-uusap ng isang makasalanan na nasa pintuan na ng kamataya at tagapagligtas sa krus ay isang tagpo ng pagpapakita ng pagkahabag ng Diyos. Inihayag niya ang kanyang pananampalataya kay Hesus hindi bilang isang gumagawa ng himala gaya ng hinihiling ng kasama niya kundi bilang Hari. Hiniling niya na alalahanin siya ni Hesus sa Kanyang paghahari. Si Hesus lamang ang makapagliligtas sa kanyang kalagayan bilang makasalanan na haharap sa mas mataas na hatol ng Diyos sa kabilang buhay. Ang hatol na kamatayan sa krus ay hindi maikukumpara sa hatol na kamatayan sa impyerno. Hindi binigo ni Hesus ang magnanakaw na iyon sa kanyang pagsusumamo. Ibinigay Niya ang kasiguruhan ng kanyang kaligtasan na isasama ng sandali rin na iyon sa paraiso.
Ang pagtatagpo sa krus ay gaya ng pagtatagpo sa bingit ng kamatayan ng isang makasalanan at ng Tagapagligtas. Ito ay nagpapakita ng kakayanan ng Diyos magligtas ng anumang tao kahit na pinakamasama at sa kahit anong panahon ng buhay. Ito ay dahil ang Diyos ay mahabagin.
Basahin : Luke 23:39-43
No comments:
Post a Comment