Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:
2 Timoteo 4:7
Ang pag-alala na isang tao sa nakaraan niyang buhay ay dumarating. Sa kanyang pagbabalik-tanaw ay sari-saring reaksyon ang maaring maisalarawan ng mukha. Sa gitna ng pagmumuni-muni ay bigla na lamang malulungkot o maiiyak, minsan sisimangot o magagalit, o kaya naman ay natutuwa at napapangiti, lalo na kapag naaalala ang mga masasayang nangyaring karanasan sa buhay. Ngunit sa lahat ng reaksyon, ang panghihinayang ay ang nakakapanlumo.
Sa Kristiyanismo, may pinapagawa ang Diyos na dapat gawin upang hindi manghinayang sa kanyang pagbabalik-tanaw sa kanyang buhay bilang Kristiyano. Gaya ng isang sundalo, dapat maalala niya na siya ay nakipaglaban sa mundo laban sa pag-uusig ng mundo at temptasyon mula sa labas ng sarili o maging sa loob ng sarili. Ang pagganap ng tungkulin bilang Kristiyano ay makapagbibigay ng ngiti sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan bilang isang Kristiyano. Ang di pagbitaw sa pinanampalatayan sa kabila ng pag-uusig at temptasyon ng mundo ay malaking kasiyahan ang madarama sa pagbabalik-tanaw sapagkat ito ang tagumpay na ninanais ng bawat mananampalataya ni Kristo Hesus.
Nagampanan mo ba ang mga bagay na ipinapagawa ng Diyos sa iyong buhay Kristiyano? Kung ganun, sa pagbabalik-tanaw mo sa buhay bilang isang Kristiyano, ito ay makapagbibigay ng ngiti sa iyong mga labi at hindi panghihinayang. Kung hindi mo pa ginagawa ang responsibilidad na inaatang bilang isang Kristiyano, panahon na upang tumugon sa kalooban ng Diyos upang may lilingunin ng may ngiti.
No comments:
Post a Comment