Sa halos tatlong taong pakikining ng Mabuting Balita mula mismo sa bibig ng Panginoong Hesus, isang nakapanghihinayang ang nangyari sa isang alagad ni Hesus. Siya si Hudas. Hindi lamang narinig ang Mabuting Balita kundi nasaksihan pa niya ang mga kababalaghan gaya ng pagpapalayas ng demonyo, pagpapakain ng libu-libong tao, nagpagaling ng mga maysakit at bumuhay ng mga patay na nagpapatunay na si Hesus ay ang Mesias. Naranasan din niya ang kapangyarihan ng Diyos sa lupa man o sa dagat. Ngunit nakalulungkot mang isipin siya ay hindi nakasama sa paghahari ni Kristo.
Sa matagal na panahon na iyon na kasama niya si Hesus at ang mga alagad, siya ay nagkubli sa pagkukunwari. Isang pagkukunwari na walang nakakaalam kay Hesus. Maging ang mga kapwa alagad ay walang muwang sa kanyang pagkukunwari (Juan 13:27-29). Sa ministeryo ni Hesus naroon, naitala sa ebanghelyo ang ilan sa mga marka ng kawalan ng pag-ibig kay Hesus. Nanghinayang sa halaga ng pabangong ibinuhos kay Hesus (John 12:4-6) at ang pagkakanulo sa Panginoon sa tatlumpung pirasong pilak (Mateo 26:14-16).
Maraming ganito sa loob ng simbahan, nagkukunwari na mga alagad ni Kristo ngunit walang pag-ibig kay Kristo kundi sa sarili lamang na ambisyon nakatingin.Sila'y nagtatago sa kurtina ng ministeryo, sa bubong ng iglesya, at sa kasuotang puti ngunit sa loob ay kabulukang tulad ni Hudas. Sila ay nagsasabing iniibig si Kristo ngunit walang pagsunod, walang pagpapakasakit, at walang pampupursige na mamuhay gaya ng Panginoon. Ang mga nagkukunwari na sila ay naglilingkod ay mga taong kahabag-habag sapagkat ibubunyag ng Panginoon ang kanilang pagkatao sa araw ng paghuhusga. Hindi lahat ng tumatawag ng Panginoon, Panginoon ay maliligtas kundi yaon lamang tumutupad ng kalooban ng Diyos (Mateo 7:21).
Basahin : Matthew 27:1-10
No comments:
Post a Comment