Suriin ang sarili kung nasa pananampalataya; Siyasatin ang sarili! Hindi mo ba nalalaman sa iyong sarili , na si Hesus ay nasasaiyo - maliban na ikaw ay hindi pumasa sa test
2Corinto 13:5
Sa pagkuha ng pagsusulit sa eskwelahan, pagkuha ng lisensya ng mga nars, guro, at inhenyero upang mga lisensyado, ang mga kumukuha ng pagsusulit ay ginagawa ang lahat upang makapasa. Sila nagrereview ng mabuti at ang ilan ay pumumunta sa mga reveiw center para lamang maipasa ang pagsusulit.
Isa sa mga nararamdam ng mga kumukuha ng pagsusulit ay ang kaba na baka hindi makapasa. Ang kabang ito ay nararanasan di lamang bago kumuha ng test kundi maging habang kumukuha ng test. Ngunit ang matinding kaba na mararanasan ay pagkatapos ng pagsusuri kung makakapasa o hindi.
Sa mga tao na tinuturing ang sarili na Kristiyano ay may pagsusulit din upang malaman kung totoo ang kanilang pagiging Kristiyano o hindi. At ito ang pinakanakakakaba sa lahat ng pagsusuri, ang pagsusuri kung nasa pananampalataya o hindi sapagkat nakataya ang kaluluwa. Mainam na suriin ang sariling buhay kung nasa pananampalataya upang magkaroon ng kagalakan ng kaligtasan na mula sa Panginoon. Sa pagsusuri dapat ay maging totoo sa sarili. Gawing pamantayan ang Bibliya at hindi ang pamantayan ng mundo o ang buhay ng isang tao.
Sinasabi ng Bibliya na ang tunay na Kristiyano nasa buhay niya si Kristo. Samakatuwid ang tao ay nabubuhay na may Kristo - isang pamumuhay na matuwid na nalulugod sa kabanalan at namumuhi sa kasalanan at isinasagawa ang kalooban ng Diyos. Ito ang tanging palatandaan na si Hesus ay nasa kanyang buhay. Kung sa pagsusuri ng sariling buhay ay hindi ito nakikita ang taong iyon ay nagkukunwari lamang na Kristiyano at dapat niyang talikdan ang kasalanan at manampalataya ng totoo sa Diyos. Ito ay nakalulungkot na balita. Marami sa loob ng simbahan ang nakakaranas ng ganitong dilema.
Ating suriin ang ating sariling buhay kung tayo ay nasa pananampalataya. Ugaliing gawin ito lagi upang ang kagalakan dulot ng kaligtasan ay maranasan araw-araw. Ikaw, sinusuri mo ba ang iyong buhay?
No comments:
Post a Comment